Wednesday, August 19, 2020

Mothers' Day Honor Roll

Valedictorian: Mama Adel

Salutatorian: Lola Liling


Honorable Mention: Ate Shel, Hani, Kat


Special Mention: Lola Felicing, Mama FLor


Thank you, Lord for the life of these Mothers!





"Mother for All Seasons" - excellent in homemaking, the best ang cooking, grabeng sakripisyo, beautiful inside and out, a woman with a generous heart, kasama ko sa bawat season ng buhay ko... blessed to be her daughter!




"The Best Lola at Pangalawang Nanay" - the original homemaker na nagturo sa Nanay ko... excellent din, "kilay is life", from grade 1 to college laging sasabihin ni Lola na hwag akong kukuha ng hindi sa akin, sobrang strikto hehe, dapat sabay-sabay kumain, pag aalis ka ng bahay at "asireg" ang damit mo, papabalikin ka 😁. Pag nasa handaan dapat maraming ulam at less rice kasi marami daw kanin sa bahay.




"The Dictator" - laging buhay ang martial law sa aming pamilya dahil sa kanya. Pero in fairness, napaka mapagmahal na Ate, ipaglalaban nya ang mga mahal nya sa buhay. Magaling na Manager sa bahay, sa buhay, sa business. Pag nabasa mo ang text nya na "call me"- dapat tawagan mo agad or else 😁... Certified "alcohol girl". Bawal ipasok ang tsinelas, bawal humiga sa kama lalo kakagaling mo ng byahe...




"Sentimental at Sensitive" - a great homemaker, ang kapatid kong wais sa lahat ng bagay, napakagaling magbudget, "nunot bilay" in a positive way. My great encourager. Yung minsan magtaka ka na lang kasi sya ang may naipong pera hehe..grabeng commitment sa asawa at anak nya.




"Ms. Ilokana"- yung Ilokanong ipinanganak pero ang lakas ng impluwensya ng Panggalatok sa kanya. Ang dakilang matipid sa lahat ng bagay... ang hipag kong "nunot bilay number 2". Matiisin at matyaga.




"Lola F" - hindi kami talaga nagkasama sa bahay ng matagal pero ang maalala ko nung mamatay si Papa, sila ang kasama namin sa bahay. Hindi ko makalimutang tinuro ni Lola sa akin, pag natatakot daw ako ay i-declare ko na "diad ngaran nen Kristo ya taga Nazareth, arawi kayod dian kabusol".




"The Best Mother-in-Law" - she gets up very early in the morning to prepare food for her family. Very thoughtful, caring and loving. Very supportive sa mga anak sa lahat ng bagay. Very submissive and loving wife.

No comments: