• Conservatism principle. Kadalasan, ayaw ni mister na magsuot ng “see-through” o mga damit na nabitin sa tela ang kanyang misis.
• Consistency principle. Kung “sweet at thoughtful” ka nung nanliligaw ka pa lang, dapat ganun din kung mag-asawa na kayo. Kung ikaw ang nagbabayad sa jeep dati dapat ganun pa din ngayon.
• Economic entity principle. Hwag ihalo ang pera sa negosyo sa personal nyong budget. Kung kumain ka sa restawran nyo o bumili ka sa groseri nyo, magbayad ka.
• Full disclosure principle. Ipagtapat mo ang mga bagay o tao na naging bahagi ng iyong nakaraan at ang mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan upang maiwasan ang hidwaan o di pagkakaintidihan. Bawal ang pangungupit.
• Going concern principle. Walang “expiration date” ang kasal. Alalahanin nyo ang inyong sinumpaan na kayo ay magsasama sa hirap at ginhawa at kamatayan lang ang maaaring makapaghiwalay sa inyo.
• Matching principle. Simple lang ito, maganda ka at gwapo sya o di kaya’y mabait kayong dalawa.
• Materiality principle. Ito ang madalas na dahilan ng pag-aaway, tingin mo ay maliit na bagay lang pero sa kanya pala ay “major, major issue”.
• Monetary unit principle. Pag nag-abot ng pera si mister, yung pera lang ang dapat isali sa budget at hwag isali ang pagiging pogi nya. Di naman naisasanla ang hitsura.
• Reliability principle. Mga misis, mahirap mabuhay sa hinala. Hwag magpapaniwala sa mga tsismis na di naman napatunayan. Hwag isumbat-sumbat kay mister ang mga bintang na di naman napatunayan.
No comments:
Post a Comment